Mga sangkot sa concert investment scam, sinampahan na ng patong-patong na kaso

Sinampahan na ng patong-patong na kaso laban sa isang babaeng nagpakilalang organizer ng K-pop concerts at ang anim pang incorporators ng Neuwave Events and Production.

Pinangalanan ng pulisya ang nasabing kumpanya para malaman kung may iba pang mga biktima.

Inisa-isa ni Police Captain Joseph Valle, Deputy Chief ng QCPD ang mga kaso ng sangkot sa naturang insidente, kabilang na rito aniya ang syndicated estafa, robbery and extortion, at 20 counts of bouncing check law.

Ayon kay Valle, kaya kinasuhan ng syndicated estafa dahil nasa dalawa at mahigit pang indibidwal ang sangkot sa nasabing kaso.

Bukod sa nagreklamo na police liutenant at isang negosyante may ilan pang dumulog sa QCPD hinggil sa concert investment scam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *