Mga sasakyang illegal na kumakayod sa Naga City nabawasan dahil sa One Time Bigtime ng pulisya

NAGA CITY – Malaking tulong sa mga lehitimong pampasaherong sasakyan sa Naga City tulad ng jeep at mga trimobile ang patuloy na ginagawang One Time Bigtime ng pulisya at iba pang mga law enforcement agencies dahil sa nabawasan ang mga sasakyang pumapasok sa lungsod at illegal na namamasada.

Sa sitwasyong ito, unti-unti na ring lumalaki ang arawang kita ng nasa sektor ng trimobile dahil nawala na ang mga ka-kompetensiya nilang mga illegal kabilang na ang mga habal-habal, mga trimobile na galing sa ibang bayan na walang matinong papeles, na ang iba nasasangkot pa sa kaguluhan at krimen.

Batay naman sa pahayag sa Brigada News  Fm Naga ni Barangay Kagawad Gil Belen, na siyang federation president ng Trimobile Operators Driver Association sa lungsod, maaaring natakot ang mga illegalista dahil sa kaliwa’t kanang presensiya ng mga otoridad sa kanilang mga daanan kaya nag aatubiling pumasok pa ang mga ito sa lungsod.

Sana anya magpatuloy ang One Time Bigtime Operation para tuloy din ang maganda nilang kita araw-araw sabi pa ni Belen.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *