Mga sasakyang nagkalat sa daraanan ng Traslacion, pinagto-tow ng MMDA

Nagsagawa ngayong araw ng joint clearing operation ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga rutang dadaanan ng Itim na Nazareno sa darating na linggo.

Ito ay upang matiyak na magiging “passable” at “obstruction-free” ang mga dadaanan ng mga deboto ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes.

Ayon kay Artes, sa pamamagitan nito ay tiyak na magiging ligtas ang bawat deboto na makikisama sa gagawing prusisyon.

Kaugnay nito, sa nasabing clearing operation ay nakapanghuli ang MMDA at Manila LGU ng 58 na sasakyang nakakalat sa daan.

Samantalang nakapag-tow sila ng 22 na illegal na naka-park sa daan.

Ibinahagi naman din ni Artes na magdedeploy sila ng 850 na tauhan para sa traffic management, public safety, emergency response operations, clearing operations at maintenance ng peace and order sa darating na prusisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *