Mga sekyu na mababa sa minimum wage ang sahod, hinikayat na magreklamo

Hinikayat ni DOLE Regional Director Geraldine Panlilio na lumapit sa kanilang tanggapan ang mga security guard na nakakatanggap ng sweldo na mas mababa sa minimum wage na umiiral sa Central Luzon.

Ayon kay Panlilio, malinaw na ito ay isang malaking violation sa mga security agency.

Giit ni Panlilio, maaaring ibigay sa kanila ng complainant ang pangalan ng kanilang agency para maimbestigahan ang mga ito.

Samantala, kinakailangang bayad rin ang overtime, night differential at holiday ng mga Security Guard kung naka duty ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *