Mga senador, ginisa ang PIRMA convenor na si Oñate

“Donors should reveal themselves.”

‘Yan ang mariing pahayag ni Senate Deputy Minority Leader, Senadora Risa Hontiveros kaugnay sa pag-invoke of rights ni People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA), Lead Convenor, Noel Oñate na pangalanan ang mga naging donors sa likod ng P55 milyon Cha Cha advertisement.

Pagpapaliwanag ni Oñate, ayaw daw lumabas ng mga sumuporta sa tv ads dahil sa kanilang privacy at security.

Maliban pa roon, ayaw din umano ng mga ito na makisama pa sa kontrobersiya tungkol sa people’s iniatiative (PI).

Ngunit ayon kay Senador Nancy Binay, matapos pumasok ng mga donators sa ganitong advocacy ay dapat handa na sila sa mga ganitong sitwasyon.

Paglilinaw naman ni Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, Chairperson, Senadora Imee Marcos, walang karapatan si Oñate na mag-invoke para sa kanyang mga donators.

Samantala, tiniyak naman ni PIRMA Legal Counsel, Atty. Alex Avisado na patuloy lang sa pagkumbinsi si Oñate sa mga ito upang lumabas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *