Mga senador, mas pabor i-extend ang Bayanihan 2 sa halip na Bayanihan 3

Inihayag ng lider ng Senado na hindi nila prayuridad ang pagpasa sa Bayanihan 3 o ang Bayanihan to Arise as One Act.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nais ng kanyang mga kasamahan na unahin munang talakayin ang isa pang extension sa Bayanihan 2, o ang Bayanihan to Heal as One Act, sa gitna na hindi pa nakokompleto ang rollout nito, sa kabila ng first extension sa validity ng pondo na hanggang June 30, 2021.

Mababatid na ang effectivity ng batas ay nagpaso na noong December 2020, sa harap ng patuloy na laban ng bansa kontra sa COVID-19 pandemic.

Dagdag ni Sotto, ang panukala na humihiling ng isa pang extension ay pending  ngayon sa committee level, kung saan ito ang kanilang tatalakayin sa oras na magbalik ang sesyon sa Hulyo. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *