Top Stories

Mga Senador sa 50th Martial Law anniversary bukas – ‘move on? o never forget?’

‘Ang kasalanan ni Adan ay hindi na natin kasalanan.’

Ito ang ginawang pahayag ni Senador Robinhood Padilla nang matanong kung ano ba ang kanyang reaksyon para sa pag-alala ng ika-50 anibersaryo ng Martial Law bukas.

Ayon kay Padilla, mas makabubuti pang mag-‘move-on’ na lang tayo dahil hindi raw tayo maggo-‘grow’ kung patuloy pa rin nating iisipin ang isyu ng Batas Militar at ng rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Hindi na raw kailangan pang mag-sorry ni Marcos Jr. dahil ang kasalanan ni Marcos Sr. ay hindi na kasalanan ng ating kasalukuyang Pangulong Bongbong Marcos.

Kung titingan nga raw ang Islamic faith, kahit na Catholic faith pa – hindi naman ipinasa ni Adan ang kasalanan niya sa atin.

Kung may kasalanan man ang dating pangulo, hindi po kasalanan ng anak ‘yun. Kahit po sa Islamic faith, Catholic faith, ‘yung kasalanan ni Adan, hindi naman kasalanan natin,‘ wika ng Senador

Pag ‘di tayo nakaalis diyan sa Marcos issue at martial law issue, kailan pa tayo mag-grow?’ dagdag pa nito.

Sinabi naman ni Senador Jinggoy Estrada na kung pagbabasehan ang milyung-milyong bumoto para kay Marcos Jr., mapatutunayan umanong minorya na lamang ang naniniwala sa mga pang-aabuso ng Martial Law.

‘What is there to apologize for? Mag move-on na tayo… Imagine, President got the highest number of votes in Philippine history, 31 million. Hindi pa ba sapat ‘yun?’ ani Estrada.

Para Kay Minority Leader Koko Pimentel, hindi dapat malimutan ng publiko ang ‘dark period’ na naransan ng mga biktima ng Batas Militar.

Aniya, kahit na hindi na mag-sorry ang Pamilya Marcos, basta ba’t makapagbigay man lang ito ng paliwanag sa mga survivor, at mga naulila ng mga Martial law victims.

‘Alalahanin natin na 50 years ago, a dark period descended upon our country because of the declaration of martial law.’ wika ni Pimentel.
#

BNFM Makati

Recent Posts

Umano’y ICC warrant – minaliit lang ni dating PNP chief Sen. Dela Rosa

'Sige ka ngalngal nang ngalngal sa ICC' Ito na lang ang naging reaksyon ni dating…

20 mins ago

56% ng mga Pilipino – naniniwalang balakid sa foreign investments ang polisiya ng gobyerno

Naniniwala ang mayorya ng mga Pilipino na ang kumplikadong business regulations at mga restrictive foreign…

20 mins ago

PNP, walang namo-monitor na pulis na sangkot sa destab plot sa Marcos admin

Walang namo-monitor na aktibong pulis ang Philippine National Police na sangkot umano destabiolization plot sa…

20 mins ago

Maricel Soriano, nanindigang ‘di gumagamit ng iligal na droga

Kinumpirma ng aktres na si Maricel Soriano sa naganap na pagdinig ng Senate Committee on…

23 mins ago

PBBM, Maricel Soriano – wala sa PDEA drug list

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdinig ng komite ng Senate Committee on…

25 mins ago

400K na karagdagang license card, natanggap ng LTO ngayong araw

Natanggap ng Land Transportation Office o LTO ang karagdagang 400 thousand na license card ngayong…

30 mins ago