Mga senador, umalma sa pagtanggal ng LGU sa distribusyon ng cash aid

Binatikos ng mga senador ang desisyon ng gobyerno na tanggalin sa LGU ang pamamahagi ng cash aid at ibigay ito sa pamahalaang nasyunal.

Ayon kay Senate President Ralph Recto, wala sa katwiran kung sasarilinin ng gobyerno ang naturang distribusyon dahil pinaka mabuti pa rin aniya ang bayanihan sa lokal at national na pamahalaan.

Matatandaang inanunsyo ni Presidente Rodrigo Duterte na aalisan nya ang isang siyudad ng kapangyarihan na mamahagi ng cash aid dahil di umano naging maayos ang kanilang distribusyon.

Samantala, kinundena rin ni Senador Risa Hontiveros ang pahayag ng pangulo at sinabing di dapat minamaliit ang kakayahan ng ng isang LGU sa pamamahala ng kanyang nasasakupan. Aniya, ang LGU ang nagsasalba sa pandemic response ng bansang ito.

Giit pa ng senadora, kabilang ang LGUs sa mga kapuri puri sa gitna ng labang ito, lalo na sa mga bagong kaso ng covid 19 at tulong ang kanilang kailangan at hindi tsismis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *