Mga senior citizen sa Naga City nagsiksikan sa pagkuha ng social pension

NAGA CITY – Nakunan ng litrato ang nangyaring pagsisiksikan sa venue ng mga senior citizens na kukuha sa kanilang social pension sa covered court  ng Barangay Concepcion Pequeña Naga City kahapon.

May mga nakaupo at nakatayo sobrang lapit sa iba kaya hindi nasunod ang o naobserbahan ang social distancing.

May mga nag reklamo dahil nga sa may pandemya ngayon at delikadong magkasakit ang mga may edad nang naroroon.

Nagpaliwanag naman si Anabelle Vargas ang Chief ng Naga City Social Welfare and Development Office sa Brigada News FM Naga hinggil sa nangyari.

Dagdag ni Vargas, barangay clustering ang ginawa nila kahapon na kung saan pinagsama-sama nila sa isang venue ang tatlo barangay; Del Rosario, Concepcion Grande at Pequeña.

Anya’y hindi naman nila inasahan na dudumugin sila ng mga benipisyaryo.

Naayos naman kaagad ang problema matapos na paghiwa-hiwalayin, naibigay ang tig-tatlong libong piso sa 900 mga senior citizens

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *