Mga sexually transmitted diseases pangunahing banta sa kalusugan ng mga estudyante sa Naga City

NAGA CITY – Kinukonsidera ng Naga City Hygiene Clinic na ang sexually transmitted diseases gaya ng tulo o gonorrhea, syphilis, genetal herpes at HIV/AIDS ang pangunahing banta sa kalusugan ng mga estudyante lalo na para sa may karelasyon o partner na higit sa isa o dalawa.

Sila ang nasa pagitan ng edad na 15 hanggang 24 taong gulang, batay sa inilabas na datus ni Grace Guevarra, Head ng Hygiene Clinic na naitala pa noong nakaraang taon 2023.

Ngayong 2024 na, magiging aktibo sina Guevarra sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan sa Naga City para patuloy ding ikampanya ang pag-iwas sa mga impkesyon na ito at ipaalala din sa mga kabataan na gumamit ng mga contraceptive methods kung hindi maiiwasan ang makipagtalik.

Aniya’y higit na nagging mapupusok ang mga kabataan ngayon dahil na rin sa impluwensiya ng teknolohiya, ang internet connection na mapapanood ng lahat sa isang click lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *