Mga sibilyan maaari nang mag may-ari ng semi-automatic rifle

Papayagan na ang mga sibilyan na magkaroon ng semi-automatic rifles.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y matapos magkaroon ng minor ammendments sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sabi ni Col. Fajardo ang mga private citizens na nagmamay-ari ng rifle, partikular ang 7.62 pababa at ang klasipikasyon nito ay semi-automatic, ay maaari nang palisensiyahan ng sibilyan.

Nauna nang lumikha ang PNP ng technical working group para amyendahan ang ilan sa mga probisyon ng IRR ng nabanggit na batas.

Ang ginawang ammendments ay nai-forward na ng PNP sa UP Law Center para sa publication at magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *