Mga SSS members na magpopositibo sa covid-19, may aasahang sickness benefit

BICOL—May aasahang benepisyo mula sa Social Security System (SSS) ang mga aktibong miyembro nito na magpopositibo sa COVID-19.

Sa isang panayam inihayag ng tagapagsalita ng SSS Legazpi Branch na si

Jeanette Mapa, sinumang miyembrong naconfine, na-isolate o kahit ang pinag home quarantine ng tatlo hanggang apat na araw matapos na magpositibo sa RT-PCR test ay kwalipikadong mag avail ng programa.

90% ng arawang sahod ng isang empleyado ang makukuha nitong benepisyo sa bawat araw na ito ay naka confine o naka –isolate.

Kailangan lamang umanong tiyaking nakapaghulog ang miyembro ng tatlong buwang kontribusyon sa loob ng 12 buwan bago ito tinamaan ng coronavirus.

Dapat din na nagamit ng isang empleyadong miyembro nito ang kanyang sick leave sa pinagtatrabahuhang kumpanya at naipaalam sa employer ang confinement nito.

Pero kung ang isang indibidwal ay self-employed, direkta silang makikipag-ugnayan sa SSS para ipaalam ang confinement ng miyembro.

Pwedeng i-file ang aplikasyon para sa nasabing sickness benefit sa website ng SSS na sss.gov.ph.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *