Mga staff ng UN mula sa Amerika at Britain, pinaaalis ng Houthis sa Yemen

Inutusan ng mga awtoridad ng Houthi ng Yemen ang US at British staff ng United Nations at iba pang mga humanitarian organization na nakabase sa Sanaa na umalis sa bansa sa loob ng isang buwan

Kasunod ito ng mga panawagan ng Estados Unidos at Britain, laban sa mga target ng militar ng grupong nakahanay sa Iran, na naglulunsad ng mga pag-atake sa mga komersyal na barko sa Red Sea.

Ibinalik din ng gobyerno ng US ang Houthis sa listahan ng mga teroristang grupo.

Binigyang diin ng mga Houthi na ang kanilang mga pag-atake ay pakikiisa sa mga Palestino na patuloy na binobomba ng Israel sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *