Mga sundalo’t pulis katuwang pa rin sa seguridad sa Balatas New Development Area sa Naga City

NAGA CITY –Nananatili pa rin ang ilang mga sundalo ng 9th Infantry Division Phil Army at ang mga personahe ng Naga City Police Office sa paligid ng New Balatas Development Area sa Naga City , ito’y para matiyak na walang anumang kaguluhang maganap sa lugar habang isinasagawa ang mga pag-tatrabaho.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Balatas Barangay Kagawad Jovy Capistrano, sinabi nitong malaking tulong ang mga uniformed personnel na ito para masawata at mahuli ang mga pasaway na namemerwisyo sa mga commercial establishments, ang mga magnanakaw.

Anya’y sa panig naman nilang mga barangay opisyal at tanod, lalo pa nilang pinaigting ang pagbabantay sa paligid, umaga man at sa lalo na sa gabi at madaling araw.

Sa New Balatas Development area ay siyang kinatatayuan ng bagong Naga City General Hospital na dinadagsa na ng mga pasyente, bukod sa iba pang mga opisina ng LGU-Naga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *