Mga suspek na kumambyo sa Degamo assassination, 10 na

Naghain ng motion to quash ang 11 na mga suspects sa Degamo slay case.

Inihain nila ang mosyon para i-invalidate ang kaso sa kadahilanang ‘illegal arrest’ laban sa kanila.

Samantala, mayroon ding limang mga suspek sa Degamo slay case ang nagsipag-kambyo ng kanilang mga pahayag.

Ayon sa kanilang abugado na si Atty. Jord Valenton, binawi na rin ng limang suspects ang kanilang naging unang sinumpaang salaysay.

Ibig-sabihin, iisa na lang na suspek ang hindi pa nagre-recant ng testimonya at ito ay ang sinasabing ‘co-mastermind’ ‘di umano sa krimen na si Marvin H. Miranda.

‘Yun nga lang, wala pa ring confession si Miranda kaya sa ngayon ay wala pa ring magagamit na sworn statement para sa kaso. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *