Mga tinatamaan ng covid-19 na dinadala sa ISU Cauayan quarantine facility, bumaba

Kasabay din ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lunsod ng Cauayan ay bumaba na rin ang bilang ng mga dinadala sa quarantine facilities kabilang na ang Isabela State University Cauayan Campus.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dra. Precila Delima, Executive Officer ng ISU Cauayan Campus, sinabi niya na gumaganda na ang sitwasyon o data ng mga taong nagkaka-COVID na dinadala sa kanilang quarantine area.

Sa nakalipas na talong linggo ay lima hanggang anim nalang aniya ang mga nagkaquarantine sa pasilidad.

Sa ngayon aniya ay tuloy-tuloy pa rin ito subalit pinagtutuunan ngayon ng pansin ng unibersidad ang paghahanda para sa inaasahang limited face-to-face classes sa susunod na taon.

Batay aniya sa rekomendasyon ni ISU System President Dr. Ricmar Aquino, uunahing simulant ito sa College of law at kailangang lahat ng mga mag-aaral at guro ay bakunado na kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *