Trimobile at E-Trike drivers sa Naga City, muling pina-alalahanan na sumunod sa mga kondisyons – Transport Committee

NAGA CITY – Muling ki-nall out at pinaalalahanan ng Committee on Transportation ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang mga trimobile at e-trike drivers sa lungsod na sumunod sa mga regulasyon at sa mga napag-usapang kondisyon.

Ayon kay City Councilor Omar Buenafe, Chairman ng komitiba, kailangang sumunod lalo na ngayong mahigpit ang implementasyon at para na rin ito sa kanila nang makapaghanap-buhay ng kampante. Kasama na rin ang respeto sa mga pasahero. Isa pa importanteng may fare metrix na ipapakita upang maiwasan rin ang pagtatanong ng ilang pasahero. Maging sa diskwento wala mang pasok ang mga mag-aaral maging sa mga senior citizen, sumunod pa rin.

Ilan naman sa mga driver takot at handang sumunod sa mga regulasyon lalo na para kay Junior Gonzales, driver at miyembro E-trike/ Trimobile Operators Drivers Associaion o ETODA, maliban sa mataas ang penalidad, iniisip niya rin ang kanyang pamilya kung mawawalan siya ng hanap-buhay, kahit papaano rin kasi sa balik-pasahe ay nadagdagan ang kanilang kita, at iniiwasan niyang mag-overloading o sobra sa apat ang sakay nang hindi makagawa ng paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *