Mga Tsino,  malaki ang ambag sa kasaysayan ng Naga City

NAGA CITY- Malaki ang naging papel ng mga Tsino sa kasaysayan lalo na sa pagpapalago sa ekonomiya ng Naga City.

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Joe Perez, Chairperson ng Committee on Culture and Arts. Napag-alaman din na bago pa man dumating ang mga Kastila, ayon sa salaysay ng mga historyador, ang mga Tsino ang isa sa mga nagpaangat sa pamumuhay ng mga taga Naga kung kaya’t ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa lungsod ay maituturing na pagbigay ng pasasalamat sa kanila.

Sa nalalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year sa lungsod, maraming kaabang abang na mga aksitibdad tulad ng Lion and Dragon Dance Performance ng isang Chinese School sa Naga na inaasahan namang dadagsain ng mga bisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *