Mga turistang bibisita sa Ragay, Camarines Sur, inaasahan na dadami ngayong taon; seguridad, paiigtingin

CAMARINES SUR- Unang buwan palang ng tag-init ngunit unti-unti ng nagsisidatingan ang mga turista sa ilang tourist spots sa Ragay, Camarines Sur. Inaasahan ng Municipal Tourism Office na mas dadami pa ang mga bibisita rito sa mga susunod na araw at buwan lalo na’t inaasahan din na mas iinit pa ang panahon.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Mary Grace Garrate, Tourism Operations Officer I ng Ragay. Ilan sa mga hakbang na ginagawa ng opisina para mapanatili ang ganda at balik-balikan ang kanilang lugar ay ang pagsiguro sa seguridad ng mga bisita at pagmonitor sa mga pasilidad at kalinisan nito.

Sa ngayon, mayroong walong beach resorts sa lugar na maaring puntahan ng mga bakasyunista. Wala namang dapat ikabahala ang mga bibisita sa lugar dahil mas paiigtingin pa ng opisina ang paglilibot sa mga tourist spots kasama ang mga rescue teams gaya ng MDRRMO, PNP, Philippine Coastguard at maging ang Barangay Peacekeeping Action Team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *