Mga voting precinct na nasa coastal area, malalayong barangay, prayoridad ng CASURECO 2 para sa BSKE 2023

NAGA CITY – Prayoridad at mas tinututukan ngayon ng Camarines Sur 2 Electric Cooperative Incorporation o CASURECO 2, ang mga voting precinct na nasa Coastal Area, nasa malalayong Barangay para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023.

Ito ang napag-alaman kay CASURECO 2, Spokesperson, Rinner Bucay.

Katunayan ilang Munisipalidad na sakop, isang daang porsyento nang nabisita at nakahanda na ang suplay ng kuryente, katulad sa Naga City, Milaor, Minalabac, Magarao, Canaman, Calabanga, may mga area naman sa bayan ng Tinambac, at Siruma ang hindi pa nabibisita, maging ang iba pang bayan na kasalukuyang nasa Pili ang target nila ngayon.

Halos nasa 258 din kasing Barangay sa Naga City at Camarines Sur, ang sakop ng opisina na halos din may paaralan na gagamitin bilang voting precinct o center sa halalan.

Kung saan layuning matiyak ang sapat na kuryente lalo na manual ang bilangan ng boto. Maging ang deployment rin ng mga personahe nakahanda na rin ang opisina dahil sa mga posibilidad pa rin ng power interruption na hindi naiiwasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *