Mga ‘walang-batayang’ mga akusasyon sa ilang kongresista, dapat nang itigil – mambabatas

Hinimok ni HOUSE Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe ang mga senador partikular na sina Senador Sonny Angara at Senador Bato Dela Rosa na isabuhay o gawin ang mga bagay na kanila mismong sinabi hinggil sa mungkahing ceasefire sa girian ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Dalipe, ang ilang mga senador ang nagsimula ng mga walang batayang akusasyon sa mga Kongresista dahil sa people’s initiative (PI) – bagay na sinagot lang naman daw nila.

Dahil dito, ang mga senador umano ang dapat tumigil sa pagbibitaw ng mga maaanghang na salita para sa kapakanan ng bansa at ng mga mamamayan.

Samantala, mababatid na nagpapatuloy ang Senate hearing hinggil sa people’s initiative sa Davao habang nakararanas ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mga residente sa maraming lugar sa Mindanao.

Giit ni Dalipe, dapat ituon ang atensyon sa mga bagay na mas mahalaga at kinakailangan.

Umaasa ang mambabatas na ite-terminate na ng Senado ang inquiry nito sa PI para bigyang-pansin na ang pagkakapasa ng RBH No.6 sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *