Local News

MHO Daraga, magsasagawa ng pagbabakuna sa mga bata laban sa tigdas, rubella at polio ngayong buwan ng Mayo

LEGAZPI CITY – Simula ngayong buwan ng Mayo ay uumpisahan na ng Daraga Municipal Health Office (MHO) ang pagsasagawa ng Supplemental Immunization Activities o pagbabakuna laban sa tigdas, rubella at polio partikular sa mga bata.

Ayon sa tanggapan, mga batang may edad 0-59 months mula sa 15 mga barangay ang kanilang target na mabakunahan.

Kabilang sa mga ito ay ang mga barangay ng Sipi, Bagumbayan, Kimantong, Sagpon, Maroroy, Binitayan, Cullat, Market Site, Lacag, San Roque, Nabasan, Alcala, Kilicao, Anislag at Bascaran.

Hinikayat ng tanggapan ang mga magulang na tumungo sa kanilang covered court o barangay hall, kasama ang kanilang mga anak upang mabigyan ng bakuna laban sa mga nasabing sakit.

Layunin ng aktibidad na mabigyan sila ng proteksyon sa mga sakit na ito.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago