MHO Pili, nagpaalala sa publiko sa iba pang sakit na dala ng sobrang init na panahon

NAGA CITYAng mga sakit ngayong tag-init tulad ng sore eyes, bulutong-tubig, tigdas ay ilan lamang sa mga binibigyan ng atensyon ng Pili Municipal Health Office na kung saan may mangilan-ngilang pasyente ang may ganitong kondisyon, dala na rin ng mainit na temperatura.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm Naga kay Dr. Rafael Salles, health officer ng bayan, sinabi niyang normal na ang mga ganitong sakit, bukod pa sa mga skin diseases, lalo na iyong mahihina ang resestensiya, bata man o matatanda.

Anya’y may mga gamot naman sila para sa mga pasyenteng ito, kasabay sa pagpaalala na dapat laging imanteni ang kalinisan sa katawan at paligid, umiwas sa mga taong mayroon ng mga sakit na ito para hindi na rin mahawaan, uminom ng mas maraming tubig at kumain ng prutas na mayaman sa Vitamin C. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *