MIAA, BI – tiniyak na aaksyunan ang Myanmar human trafficking expose ni Sen. Hontiveros

Tiniyak ng Manila International Airport Authority o MIAA na magsasagawa ito ng masusing imbestigasyon hingigl sa umano’y human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang paggamit ng mga pekeng airport passes.

Kasunod ito ng isiniwalat ni Senadora Risa Hontiveros na pagpupuslit ng mga overseas Filipino workers (OFW) papuntang Myanmar para magtrabaho sa isang Chinese crypto-scam operation.

Sa isang pahayag, sinabi ni MIAA general manager Cesar Chiong na inatasan na nila ang kanilang mga personnel na imbestigahan ang naturang insidente, at ang pagkaka-aresto sa apat na mga pekeng empleyado ng NAIA.

Nabunyag sa Senado na may apat na mga pasaherong nagpanggap bilang mga airport employees para ma-bypass ang mga Immigration personnel.

Pagtitiyak ni Chiong, hindi nila palalampasin ang naturang ulat at makasisiguro ang publiko ng isang multi-agency initiative para malabanan ang mga ganitong uri ng modus.

Sinabi pa ng MIAA official na mas paiigtingin pa nila ang seguridad sa mg apaliparan para maprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs.
#

DMW, pinag-iingat ang mga Pilipino sa pag-aapply online para ‘di mabiktima ng mga human trafficking syndicates

Pinag-iingat naman ni Migrant Workers Secretary Toots Ople ang ating mga kababayan na mag-doble ingat pagdating sa pag-aaply online para sa mga nais mangibang bansa.

Sa isang panayam, sinabi ng Kalihim na patuloy nilang tinutugis ang talamak na illegal recruitment online na kung saan, madalas ay ipinadadala ang mga Pilipino sa mga scam na ‘cryptotechnoparks’.

Kinumpirma pa ni Ople na hindi lamang sa Myanmar ipinadadala ang mga nabibiktima ng mga pekeng ahensya na ito.

Aniya, na-monitor din ng DMW ang kaparehong modus sa Cambodia at sa Lao.

Sa huli, maliban sa paalala sa mga OFWs na umiwas sa mga kahina-hinalang recruiter, ay tiniyak din ng Kalihim na tutulungan nila ang mga pangangailangan ng mga nabibiktima nating mga kababayan.
#

READ MORE:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *