MIAA, nag-sorry sa sanitary lapses ng NAIA

Nag-sorry si Manila International Airport Authority (MIAA) Officer-in-charge (OIC) General Manager Eric Ines sa publiko sa mga sunud-sunod na security lapses ng paliparan.

Ito’y matapos ang nag-viral ang mga video ng peste sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – surot, daga, ipis at mga basurang iniwan lang ng kapwa pasahero.

Inaako ni Ines ang naturang insidente at inatasan na nito ang pest control personnel sa NAIA.

Tiniyak ng opisyal na hindi na raw kailanman mararanasan ang nangyaring peste para hindi na makaperwisyo sa mga pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *