Michelle Dee, sasabak sa Miss Universe Philippines 2022

“It’s now or never”

Ito ang katagang inihayag ni Michelle Dee, kasabay ng kanyang pag-anunsyo sa pamamagitan ng Instagram na siya ay sumali sa Miss Universe Philippines.

Sa kanyang application video na inupload sa Kumu, aminado ang 26-anyos na beauty queen na batid niyang hindi madali ang pageant.

Pero sa kabila nito, handa umano siyang harapin ang hamon.

Si Michelle, na nanalo sa Miss World Philippines noong 2019, ay kakatawan ng Makati City.

Sa kasalukuyan, ang titleholder ay Beatrice Luigi Gomez, na nagtapos sa top 5 ng 70th Miss Universe pageant noong Disyembre.

Ang bagong queen sa Miss Universe Philippines 2022 ay kokoronahan sa Abril. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *