Sa kauna-unahang pagkakataon ay idinetalye ng aktres na si Michelle Madrigal ang pinagdaanan nila ng kanyang dating asawang si Troy Woolfolk.
Sinabi ni Michelle na hindi naging madali ang pinagdaanan nila ng asawa bago sila magpasyang maghiwalay.
Ayon kay Michelle, sinubukan din nila ng kanyang dating asawa na isalba ang kanilang pagsasama pero hindi talaga kinaya.
Aminado si Michelle na pinangarap niyang mabigyan ng buong pamilya ang kanyang anak na si Anika para hindi nito pagdaanan ang kanyang naranasan na mula sa broken family.
Pero mas maganda na aniya na hindi buo ang pamilya kesa ma-witness ng kanilang anak na toxic na ang kanilang pagsasama ng kanyang dating asawa.
Isa sa mga nakitang dahilan ni Michelle ng kanilang paghihiwalay ang hindi kahandaan kung saan tila naging sorpresa sa kanilang mag-asawa ang mga responsibilidad nila sa buhay lalo na ng kanyang dating asawa dahil naging mabilis ang mga pangyayari at agad na nagbunga ang kanilang whirlwind romance.
Sa ngayon aniya ay ok na sila sa co-parenting set up nila ng dating asawa.
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…