Local News

No.1 MWP na NPA, arestado; NPA-Sorsogon pinabulaanan ang mga akusasyon, umano’y pag-aresto, iligal

Arestado ang umano’y kasapi ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3 ng rebeldeng grupong NPA sa Brgy Sangat, Gubat, Sorsogon.

Kinilala itong si Charlie Doe Lelis alias ‘Guding’ residente ng nasabing lugar at itinuturing din na No. 1 municipal most wanted person ng Gubat PNP.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, si Lelis ay nahaharap sa magkapatong na kasong illegal possession of explosive na walang inirekomendang piyansa at attempted homicide na may itinakdang piyansa na P36,000.00.

Inalmahan naman ng NPA-Sorsogon ang nasabing pag-aresto kay Lelis, ayon sa Hukbo, gawa-gawa lang ang mga kaso.

Ayon sa mga ito, idinadawit umano si Lelis sa nangyaring engkwentro noong buwan ng Mayo sa Sitio Binil-angan, Brgy Tabi ng nasabing bayan kung saan isang miyembro ng Cafgu ang nasugatan habang nakarekober ang tropa ng 31st IB ng high powered firearm, IED, gamit pampasabog at mga kagamitan ng mga rebelde.

Dagdag pa ng Hukbo na nagsimulang pag-initan umano ng mga sundalo si Lelis nang hindi ito sumipot sa patawag ng nasabing batalyon sa kanilang baryo upang linisin ang kanyang pangalan.

Dito na umano madalas na binabantayan ng mga sundalo ang bahay ni Lelis.

Nahuli ang akusado noong Araw ng mga Santo, Nobyembre 1, matapos ang ikinasang manhunt operations ng pinagsanib na puwersa ng Army at Sorsogon PNP.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago