MIF dapat tatalakayin sa SONA ni PBBM – solon

Nanindigan si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda na dapat gamitin ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa July 24, para i-showcase ang P500B Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Salceda, dapat lang isama ni Marcos ang key priority investment ng MIF sa kanyang taunang speech.

Aniya, ang pagsasama ng MIF sa SONA ay magbibigay ng kongkretong policy direction para sa naturang pondo.

Dahil din dito, malalaman ng mga managers kung aling barko ang dapat nang maglayag.

Oportunidad din umano ang SONA para maibahagi ng pangulo ang kanyang mga hangarin at inaasahan mula sa sovereign fund.

Sa huli mariing sinabi ng mambabatas na ang mga pahayag ni Marcos hinggil sa Maharlika ay magiging mahalaga. //SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *