Migrant Workers Day, ipinagdiwang sa region 12

KORONADAL CITY- NASA 600 mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Soccsksargen region ang nagtipon at dumalo sa Migrant Workers Day celebration ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 sa South Cotabato Gym and Cultural Center.

Sa naturang aktibidad, 20 mga distressed OFWs ang nakatanggap ng cash assistance na tig P20,000 sa ilalim ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program o BPBH.

Ang Balik Pinas, Balik Hanapbuhay ay isang livelihood support program na nagbibigay ng immediate relief assistance sa mga umuuwing distressed o displaced member-OFWs ng maxium na P 20,000 bilang start-up o dagdag na capital para sa kanilang napiling proyekto.

Maliban dito, nakatanggap naman ng P 340,000 na start-up capital ang Kisandal OFW and Family Circle Association ng Magpet, Cotabato.

Mismong si OWWA 12 Regional Director Marilou Sumalinog at Koronadal City Mayor Eliordo Ogena ang nagturn-over ng cheke sa grupo ng mga dating OFWs.

Ayon kay Sumalinog na ang naturang grant ay sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan sa Pag-Unlad ng Samahang OFWs (TULONG PUSO) program. Karamihan sa mga proyekto ng mga OFWs ay may kaugnayan sa agribusiness, health and wellness, eco-tourism, manufacturing, at wholesale and retail trade.

Ang Migrant Workers Day celebration ay isang taunang aktibidad na kumikilala at nagbibigay pugay sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *