Migrant workers sa Thailand, nahaharap sa mahigpit na quarantine dahil sa COVID-19 surge

Dahil sa COVID-19 case surge na naranasan sa Thailand, ay napilitan na mag-quarantine sa pabrika ang migrant worker na si Hein Thet Zaw.

Sa nakalipas na sampung araw, ay natulog ito sa tent habang ang kinakain niya lamang ay sapat na suplay ng kanin at boiled eggs.

Mababatid na libo-libong mga migrant workers sa Thailand ang nasa ilalim ng isolation sa kanilang mga pabrika at building sites matapos maranasan sa Thailand ang pinakamalala nitong COVID-19 outbreak mula nang magsimula ang pandemya.

Tinatayang nasa mahigit 10,000 migrants na mula sa Myanmar, Cambodia, Laos, at Vietnam ang nagpositibo sa COVID-19 mula nang magkaroon ng surge ng mga kaso noong Abril.

Naging dahilan ito para i-confine ng mga trabahador ang kanilang mga sarili sa kanilang mga pinagtatrabahuan o dormitoryo para mapigilan ang paglaganap ng virus.

Binatikos naman ng rights groups ang ginagawa ng Thailand, dahil ayon sa kanila ay nalalabag ang karapatang pantao ng mga migrant workers habang nalalagay naman ang kanilang mga kalusugan sa panganib.

Binigyang diin ni Sunai Phasuk, senior researcher for Human Rights Watch sa Thailand, na dahil sa abusado at discriminatory na policy, ay inilalagay ng mga otoridad ang mga migrant workers na apektado ng COVID-19 outbreak sa ghetto, kung saan ay mabilis kumalat ang infections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *