Miley Cyrus, napalanunan ang kanyang kauna-unahang Grammy Win

Nakuha ni Miley Cyrus ang kanyang kauna-unahan niyang Grammy Win sa 66th Annual Grammy Awards matapos ang halos dalawang dekada na pagtatrabaho sa music industry.

Ito’y matapos masungkit ni Miley ang Record of the Year at Best Pop Solo Performance para sa kantang Flowers.

Pinerform rin ng singer ang kanyang award-winning song, kung saaan ipinakita niya ang kanyang “fun side” dahil sa sobra nitong tuwa sa kanyang panalo.

Hinikayat ni Cyrus ang mga audience sa pagkanta at sinabing, “Why are you acting like you don’t know this song?”

Nakakuha si Miley ng anim na Grammy nomination sa taong ito, kabilang ang album of the year para sa kanyang “Endless Summer Vacation” album.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *