Militar at mga rebelde nagkasagupa muli sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Muling nagkabakbakan ang mga militar ay hinihinalang rebelde sa  Tinambac, Camarines Sur.

Nangyari ito bandang alas-10:00 ng umaga nitong Martes Oct. 10, 2023 sa sakop ng Barangay Agay-ayan. Rinig ang putukan hanggang sa paaralan daan upang kanselahin ang klase sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Major Frank Roldan ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division Philippine Army, sinabi nitong umabot sa 15 minuto ang palitan ng putok. Walang nasawi sa panig ng pamahalaan pero kinikumpirma pa nila kung mayroon sa mga rebelde, nakita naman ang mga patak ng dugo sa pinangyarihan.

Narekober ang bandolier , rifle grenade, poncho tent at personal na mga gamit.

Nagpadala na ng quick reaction team ang Phil. Army upang matinggan at matulungan kung mayroon mang displaced families.

Nakikiusap ang 9th ID na maging mapagmatyag sa bawat lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *