Militar – mas pursigidong puksain ang Dawlah Islamiyah-Maute Group

Mas pursigido raw ang tropa ng militar na puksain ang Dawlah Islamiyah-Maute Group.

Ito’y matapos mapatay sa engkwentro ang 6 nilang kasamahan sa isang Decisive Military Operation laban sa teroristang grupo sa Brgy Ramain, Munai, Lanao del Norte kahapon.

Tatlo namang miyembro ng DI ang nasawi sa operasyon.

Sa isang pahayag sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., tinitiyak niya sa pamilya ng mga sundalo na makakamit nila ang hustisya at gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang matugis ang mga ito.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang AFP para sa pamilya ng mga nasawing sundalo.

Sa ngayon, umabot na sa 18 ang kabuoang bilang ng mga DI na neutralisa ng militar kasama na ang alyas engineer na mastermind sa MSU bombing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *