Mindanao, makakakuha ng mas maraming bakuna ngayong buwan – Galvez

Inihayag ni National Task Force against COVID-19 at vaccine scar Secretary Calito Gelvar Jr. na mas maraming bakuna ngayon ang inaasahang darating sa iba’t-ibang probinsya ngayong buwan

Ayon kay Galvez, tinitiyak nila sa mga mambabatas sa Kongreso na hindi nila papabayaan ang kanilang mga rehiyon, lalo na ang mga tao sa Mindanao sa kanilang vaccine deployment.

Reaksyon ito ni Galvez sa panawagan ng ilang mambabatas mula sa Mindanao na gawing patas ang sistribusyon ng mga bakuna.

Ipinunto naman ni Galvez na nasa six-million doses o higit pa ng COVId-19 vaccine ang darating bago ang katapusan ng kasalukuyang buwan, na bukod pa sa 4.3-million doses nga naideliver nitong nakaraang dalawang linggo.

Sa House committee on Mindanao affairs hearing kaugnay sa vaccine rollout, testing, at iba pang aspeto ng COVID-19 response ng gobyerno, ay inihayag ni Cagayan de Oro Second District Rep. Rufus Rodriguna dismayado ito sa kakulangan ng mga bakuna sa kanyang lungsod sa kabila ng surge ng COVID-19.

Ipinunto ng mambabatas na dumarami ang namamatay sa kaniyang lungsod dahil sa kakulangan sa bakuna.

Humingi naman si Undersecretary Isidro Palma, na nagrepresenta kay Galvez sa hearing, ng patawad  mula sa shortage ng vaccine deliveries nitong mga nakaraang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *