Minibus sa Catanauan, Quezon, sinunog ng 4 na armadong lalaki

Isang pampasaherong minibus ang sinunog ng apat (4) na armadong lalaki sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon nitong gabi ng Miyerkules, Enero 31.

Ayon sa police report, pinara umano ng mga suspek ang nasabing minibus kung kaya huminto ito sa paga-akala ng driver na ang mga ito ay pasahero.

Nang sumakay ang mga suspek ay doon na pinababa ng mga ito ang driver, konduktor at ang tatlong (3) pasahero at sinabi na hindi umano hold-up ang kanilang gagawin.

Doon na sinilaban ng mga suspek ang nasabing minibus gamit ang isang gasera kung kaya natupok ito.

Samantala, kasalukuyang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. Pinaghahanap na rin ang mga tumakas na suspek na noo’y nakasuot rin ng mga bonnet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *