Minimum wage sa Pilipinas, kailangang ilapit sa living wage – senador

Naniniwala si Senate Deputy Minority Leader, Senadora Risa Hontiveros na hindi pa rin maituturing na sapat ang dagdag P100 na daily minimum wage para sa mga pribadong sektor upang makapamuhay ng disente ang isang pamilya.

Ayon kay Hontiveros, mismong mga datos na ng gobyerno ang nagsasabi na kulang pa rin ito upang hindi na mamuhay sa ilalim ng poverty line ang ilang manggagawang Pilipino.

Kaugnay nito, marapat lang umanong ilapit pa sa living wage ang minimum wage upang matiyak na makapamumuhay ang mga ito ng disente.

Dagdag pa niya, bukas naman sila sa Senado sa mga posibleng mungkahi tungkol sa ibang non-wage measures na pwedeng gawin upang mapataas ang pamumuhay at buying power ng taumbayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *