Misis, inakusahang nangaliwa ng kanyang asawa dahil sa kulay ng balat ng kanilang baby

Ikinagulat ng mag-asawa sa Cape Town, Africa ang anak nilang bagong labas lang sa sinapupunan ni Misis.

Pareho kasing itim ang mag-asawa ngunit nang lumabas ang bata ay puting-puti ang kulay ng balat nito.

Saad ng mister, inakusahan niya agad ang misis niyang nangaliwa dahil wala naman silang caucasian blood.

Maputi ang balat ng ikalawa niyang anak na si Zayana, at iba rin ang kulay ng buhok nito na tila blode.

Paglilinaw ng mag-asawa, nakumpirmang may albinism siya, isang kondisyon kung saan nagmu-mutate ang genes, kasama ang genes na nagbibigay ng melanin.

Sa kabila nito, minamahal pa rin nila nang lubos ang kanilang anak at anila, walang hindi kakayanin ang mag-asawa para sa kanilang “miracle baby.”

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *