Miss Cebu Beatrice Gomez, wagi bilang Miss Universe Philippines

Nagwagi si Miss Cebu City Beatrice Luigi Gomez bilang Miss Universe Philippines, kung saan ay natalo niya ang 27 iba pang kandidata.

Sa isinagawang grand coronation night sa Hennan Resort Convention Center sa Panglao, Bohol nitong Huwebes, ay ipinasa ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang korona sa kaniyang successor.

Nagsilbi naman sina Miss Pangasinan Maureen Christa Wroblewitz bilang 1st runner-up, at Miss Cebu Province Steffi Rose Aberasturi bilang 2nd runner-up ng naturang pageant.

Ipinagkaloob naman ng pageant ang dalawang bagong titolo na naayon sa mga adbokasiya ng organisasyon, kabilang na ang Miss Universe Tourism na nakuha ni Miss Taguig Katrina Dimaranan at Miss Universe Philippines Charity na napunta kay Miss Cavite Victoria Velasquez Vincent.

Walang international pageant na masasalihan ang mga nasabing titilist, ngunit pwede naman silang pumalit sakaling mabigo ang national winner na matapos ang reign nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *