Michelle Dee, umamin bisexual

Ilang linggo matapos manalo sa titulong Miss Universe Philippines 2023, diretsahang inamin ni Michelle Dee na isa siyang bisexual.

Ginawa ni Michelle ang paglalahad sa cover story ng Mega Magazine special issue na inilabas kahapon.

Sa panayam, ibinunyag ng beauty queen na pinayuhan siyang hindi magsalita tungkol sa kanyang kasarian dahil sa pressure noon sa kompetisyon.

Matagal na rin umano siyang tagasuporta ng LGBTQIA+ community.

Naniniwala naman siya na hindi big deal ang kanyang sexual identity sa mga adbokasiyang ipinaglalaban niya.

Binigyang-diin din ng beauty queen na gusto niyang mag ‘come out’ dahil umaasa siyang mabibigyan ng inspirasyon ang kanyang mga tagasuporta.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *