Miss U PH, tatanggap na ng live audience sa prelim competition

Tatanggap na ng live audience para sa preliminary competition ng Miss Universe Philippines 2022 pageant.

Ang preliminary competition ay gagawin sa The Cove Manila sa April 27.

Iaanunsyo naman sa mga susunod na araw ang iba pang detalye sa ticket sale.

Matatandaan na simula ng kanilang inagurasyon noong 2020, hindi pinapayagan ang live audiences sa preliminary competition dahil sa COVID-19 pandemic.

Samantala, ngayon taon ay marka rin ng unang pagkakataon na ang coronation night ay gagawin sa Metro Manila, matapos na gawin ang unang dalawang edisyon sa Baguio City at Bohol.

Ang finals naman ay gagawin sa April 30 sa SM Mall of Asia Arena. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *