Miss Universe Philippines, may bagong normal selection process na ipatutupad

Inanunsyo ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization na magpapatupad ito ng new normal selection process.

Magkakaroon ng tatlong yugto ang bagong screening procedure.

Una na rito ang initial virtual screening kung saan ay kikilatasin ang lahat ng mga aplikante via Zoom, habang sila ay ligtas na nasa kanilang mga bahay.

Hindi na nila kailangan bumyahe papunta sa Manila para mag-audition.

Pangalawa, ay magkakaroon ng elimination round sa pamamagitan ng online challenges.

Susubukan ng mga serye ng challenges ang kahandaan ng virtual roster ng mga kandidata na akuhin ang korona ng Miss Universe Philippines at ang mga responsibilidad na kaakibat nito.

Para naman sa ikatlong yugto ay tutulong na ang mga fans sa pagboto ng kanilang napupusuan na kandidata.

Inaasahan na magkakaroon ng bearing ang fan votes sa selection ng official MUPH 2021 delegates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *