PARACALE, CAMARINES NORTE- Bagsak sa kulungan ang isang lalake na inireklamo ng pananakit ng kaniyang kinakasama at nahulihan pa ng iligal na droga.
Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek na si Smith Ross Avellana y Ramos 42, matapos makatanggap ng tawag ang Paracale Municipal Police Station at inirereklamo ang diumano’y pananakit nito sa kaniyang kinakasama na itinago sa alyas na “Joy”.
Agad umanong tumugon ang mga pulis at pagdating sa bahay ng suspek sa Purok 4 Brgy. Bagumbayan ay tumambad sa mga ito ang mga iligal na droga na nakapatong sa lamesa.
Nakuha sa bahay ng suspek ang limang malalaking pakete at tatlo pang maliliit na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Umaabot sa labing limang gramo ng hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng humigit kumulang P72, 000 ang narekober sa bahay ng suspek.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Na-rescue sa mga sakop sa Coast Guard District Southeastern Mindanao ang duha ka indibiwal nga…
Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer…
Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi…
Hindi bababa sa sampu ang nasawi sa katimugang estado ng Rio Grande do Sul ng…
Patay diha-diha dayon ang usa ka lalaki human gipauwanan kinig bala kay matud pa wala…
Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs si Zhou Zhiyong mula sa embahada ng China sa…