Mister sa Italy, nakiusap sa mga pulis na ikulong siya para matakasan ang hindi makasundong misis

Rome, ITALY —  Sino ba saatin ang nais na makulong at maging bilanggo sa piitan sa loob ng mahabang panahon? Marahil ay wala, dahil ang pagiging bilanggo ay nangangahulugan ng pagkawala ng ating kalayaan.

Ganunpaman sa bansang Italy, isang mister ang kusang lumapit at nakiusap sa mga pulis na siya ay dalhin sa bilangguan upang matakasan ang hindi makasundong misis.

Ayon kay Captain Ferrante ng Tivoli Carabinieri, ang 30-anyos na lalaking hindi na pinangalanan ay nakasailalim sa ‘house arrest’ ilang buwan na ang nakakalipas dahil sa pagkakaugnay nito sa iligal na droga.

Dahil sa ‘house arrest’ hindi siya maaring lumabas ng kanyang bahay sa loob ng ilang taon kung saan kasama niya ang kanyang misis at mga anak.

Hindi naman na i-kwento ng lalaki kung ano ang dahilan ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang misis ngunit ayon sakanya, hindi na maayos at masaya ang kanilang pagsasama kaya nais niya na lamang pagbayaran ang natitira niya pang sentensya sa loob ng rehas.

Dahil sa paglabas nito ng kanyang bahay, malinaw ang naging paglabag nito sa ipinataw sakanyang house arrest kaya nag desisyon ang mga otoridad na dalhin siya sa presinto.

Bagay na pabor naman sakanya, dahil sa kagustuhang matakasan ang hindi makasundong misis.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *