Misteryong tao sa likod ng isang billboard, panawagan sa kanyang iniibig “Wag Na Tayo Mag Break, Please”

Gaano ba kahirap ang pagbitiw sa isang relasyon? Hanggang saan ang kaya mo para maisalba ang relasyong naghihingalo?

Kung sa lovestory may iba’t ibang paraan upang maipaglaban ang minamahal.

Pwes meron din niyan sa totoong buhay, isang billboard sa kahabaan ng C-5 Road southbound sa Quezon City na nakikiusap na huwag makipaghiwalay.

Ang eksaktong mga salita sa mensahe na, “Wag na tayo mag break, please” at may malungkot na emoticon ay mula sa isang taong may pangalang nagsisimula sa letrang D.

Ito ay kinunan ng bidyo ni Gifer Fernandez at ibinahagi sa isang online platform na may caption na “magbati na kayo.”

Ang nasabing post ay agad na umani ng samu’t saring reaksyon, komento, at espekulasyon, gaya nang maaaring mula raw ang mensahe kay Daniel Padilla o kaya kay Dominique Roque na kamakailan lang ay nakaranas ng breakups.

Subalit hanggang ngayon ay nananatiling palaisipan pa rin ang misteryong tao sa likod ng mensaheng ito kaya naman sabi ng ibang netizen na hangad nila ang pagbabati ng dalawa bilang magkarelasyon man o hindi na. ### MITZI LOMERIO, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *