Miyembro ng 8th city council pinaalalahanan na ugaliing dumalo sa  mga committee hearing

Pinaalalahanan ng Committee on Rules ang lahat ng miyembro o bumubuo ng 8th City Council ng Sangguniang Panlungsod na ugaliing dumalo sa mga Committee hearings.

Ayon kay Committee on Rules Chair at East District City Councilor Angelu Magda Ravanilla, maraming mga City Councilors ang hindi alam ang mga napag-usapan sa kani-kanilang mga komite dahil hindi nagsisipagdalo ang mga ito nang walang advance notice.

 Kadalasan ay mga office staff lamang ng mga ito ang pinadadalo na wala naman umanong kapangyarihan para bumoto o magdecide sa mga usapin sa mga committee hearing.

Dagdag pa ni Ravanilla, nawawala o hindi na nagsisipag-attend ang karamihan lalo na sa mga mabibigat na issue na pinag- uusapan sa mga Committee hearing.

Sa pag-upo ng mga mahahalal na mga ex-officio members, muling tatalakayin ng konseho ang kani-kanilang obligasyon sa ilalim ng kanilang internal rules upang maiwasan na umano ang pag-absent o pagliban sa mga isinasagawang Committee hearing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *