Miyembro ng Concepcion Gang – arestado sa Laguna

Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang isa sa itinuturing na most wanted criminal sa Bicol region.

Kinilala ng National Bureau of Investigation ang suspek na si Ruel Cabrillas,na may standing warrant of arrest sa kasong pagpatay at pangki-kidnap sa ilang tao.

Na trace ng mga awtoridad ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon na nagtatago ito Canlubang, Laguna.

Nang isagawa ang pag-aresto , inamin ni Cabrillas ginagamit niya ang pangalang ‘Ruel Arrellano’ para makaiwas sa mga otoridad at pagkaka-aresto.

Ayon pa sa NBI, Si Cabrillas ay diumano’ y miyembro ng grupo nang napatay na si Gilbert Concepcion. Si Concepcion at ang kanyang grupo ay mga suspek sa pagpatay sa humigit-kumulang 30 umano’y police assets sa Libon, Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *