Miyembro ng Militia ng Bayan arestado sa Matnog, Sorsogon

SORSOGON CITY – Hinainan na ng kanyang Alias Warrant of Arrest ang 50-anyos na miyembro ng Militia ng Bayan (MB) sa Matnog Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Jose Escario Amante, may kinakasama, mangingisda at naninirahan sa Brgy Sua ng nasabing bayan. Itinuturing din ito na No. 8 most wanted person ng Matnog Police.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 55 na may itinakdang piyansa na P120, 000.00 sa kasong Attempted Murder.

Nabatid na si Amante ay miyembro ng Militia ng Bayan, Larangan 2, Komite Probinsyal 3 ng Bicol Regional Party Committee na nasa ilalim ng pamumuno ni Jose Maria Estiller subalit ito umano ay nasa listahan ng Intel bilang NPSR o Non-Periodic Situation Report, na ang ibig sabihin ay ‘inactive’ na ito dahil wala nang ‘sightings’ o naiulat na presensiya nito sa mga engkwentro at ‘atrocities’ na ginagawa ng mga rebelde.

Ang kaso ni Amante ay nag-ugat noong taong 2018.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *