Miyembro ng SPLHB, kumpleto na!

Kumpleto na ang mga miyembro ng Sorsogon Provincial Local Health Board (SPLHB) matapos na magkaroon na ng District Health Board Chair ang mga Inter-Local Health Zones at Sub-Provincial Health Board.

Ito ang kinatawan ng mga alkalde mula sa unang distrito at pangalawang distrito ng lalawigan na pinili ng lahat ng mga Mayors mula sa mga nasabing distrito.

Papangunahan ng Gobernador bilang Chairman ng Board, Vice Chair ang Provincial Health Officer at mga myembro ng Sanggunian Panlalawigan Committee on Health, Provincial DOH Officer, Civil Society Oraganization, mga kinatwan ng Indigenous People, District Health Board Chair ng Inter-Local Health Zones at ang Presidente ng asosasyon ng mga Municipal Health Officers.

Ang SPLHB ay magsisilbing advisoty committee ng SP sa pagsulong ng mga ordinasang tatalakasy sa kalusugan, magbuo at magpatupad ng mga polisiya at plano para sa province-wide health system at higit sa lahat mag manage ng Special Health Fund o SHF bbilang bahagi ng UHC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *