Miyermbro ng CTG na Rank 9 Regional Most Wanted Person ng Bicol dahil sa kasong murder, arestado na

LEGAZPI CITY – Hawak na ngayon ng Tabaco City Police Station ang isa sa mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na Rank No. 9 Regional Most Wanted Person ng Bicol Region dahil sa kasong murder matapos itong madakip sa Sanctuario de Albay Memorial Garden, Brgy. Cabangan, lunsod ng Tabaco sa lalawigan ng Albay.

Kinilala ang suspek na si Joseph Tapas y Tavera, 44 anyos, construction worker at residente ng Sitio Coripdas, JM Alberto Tucao, San Miguel, Catanduanes.

Ayon sa report, nadakip ito sa bisa ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na walang inirekomendang piyansa.

Sa ngayon, pansamantala itong nasa kustodiya ng nasabing himpilan para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *